Thursday, June 7, 2012

Noli Me Tangere Kabanata 6-10


Kabanata 6 – Si Kapitan Tiago

Ang katangian ni kapitan tiyago ay itinuturing hulog ng langit. Siya ay pandak, di kaputian at may bilugang mukha. Siaya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taong gulang. Maitim ang buhok, at kung hinde lamang nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay magandang lalaki.
Siya ang pinakamayaman sa binundok dahil sa marami siyang negosyo at iba pang klase ng ari-arian. Tanyag din sya sa pampanga at laguna bilang asendero, hindi kataka-taka na parang lubong hinihipan sa pagpintog ng kanyang yaman .
Dahil sa sya ay mayaman, siya ay isang impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa mga taong nasa gobeyerno at halos kaibigan nya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang tunay na kastila at hindi pilipino. Kasundo nya ang diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang kabalanan. Katunayan, sya ay nagpapamisa at nag papadasal tungkol sa kanyang sarili. Ipinalalagay ng balana na siya ay nakapagtatamo ng kalangitan. Iisipin na lamang na nasa kanyang silid ang lahat ng mga santo at santong sinasmba katulad nina sta.lucia, san pascual bailon, san antonio de padua, san francisco de asis, san antonio abad, san miquel, sto. Domingo, hesukristo at ang banal na mag-anak.
Par kay kapitan tiyago kahit na ano ang itakda an mga kastila, yaon ay karapat-dapat at kapuri-puri. Dahil sa kanyang pagpupula sa mga pilipino, sya ay naglilingkod bilang gobernadocillo.
Basta opisyal, sinusunod nya. Anumang reglamento o patakaran ay kanyang sinusonod. Sipsip din sya sa mga taong nasa poder. Basta may okasyon na katulad ng kapanganakan at kapistahan, lagi sya myroong handog na regalo.
Si kapitan tiyago ay tanging ng isang kuripot na mangangalakal ng asukal sa malabon. Dahil sa kakuriputan ng ama, siya ay hindi pinag aral. Naging katulong at tinuruan sya ng isang paring dominiko. Nang mamatay ang pari at ama nito, siya’y mag isang nangalakal. Nakilala nya si pia alba na isang magandang dalagang taga sata cruz. Natulong sila sa pag hahanap-buhay hangang sa yumaman ng husto at nakilala sa alta sosyedad.
Ang pag bili nila ng lupain sa san diego ang naging daan upang maging kaututang dila roon ang kura na si padre damaso. Naging kaibigan din nila ang pinakamayaman sa boung san diego- si don rafael ibarra, ang ama ni crisostomo ibarra . dahil sa anim na taon ng pagsasama sina tiyago at pia at hnidi nagkaroon ng anak kahit na kung saan-saan sila namanata.
Dahil dito ipinayo ni padre damaso na sa oabando sila pumunta kina san pascal baylon at sta clara at sa nuestra sr de salambaw.
Parang dininig ang dasal ni pia, siya ay nag lihi, gayuman nagiging masakitin si pia, nang siya ay magdalangtao. Pag kapanganak nya sya ay namatay. Si padre damaso ang nag anak sa binyag at ang anak in pia ay pinangalanang maria clara bilang pag bibigay karangalan sa dalawang pintakasi sa obando, kay tiya esabel, pinsan ni kapitan tiyago, ang natokang mag-aruga kay maria. Lumaki sya sa pag mamahal na inukol ni tiya esabel, kanyang ama at mga prayle.
Katorse anyos si maria, nang sya ipinasok sa beaterio ng sta catalina. Luhaan sya nag paalam kay pari damaso at sa kanyang kaibigan at kababatang si crisostomo ibarra, pag kapsok ni maria sa umbento, si ibarra naman ay nag punta na ng europa upang mag aral.
Gayunman, nagkasundo sina don rafael at kapitan tiyago na maski nagkalayo ang kanilang mga anak. Pag dating ng tamang panahon silang dalawa (maria at crisostomo) ay pag iisahing dibdib. Ito ay sa kanilang paniniwala na ang dalawa ay tunay na nag-iibigan.

 Kabanata 7 – Suyuan Sa Asotea

Kinabukasan, Maagang –maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa, Nagyayang umuwi na si Maria.
Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si Isabel ay ay nagwalis ng mga kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiyago ay Binuklat naman ang mga itinatagong kasulatan. Sumasasal sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Sapagkat medyo namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago na magbakasyon siya sa malabon o sa San Diego.
Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang pista.
Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang mga damit ay magpaalam na siya sa mga kaibigan sapagkat hinda na siya babalik sa beateryo.
Nanlamig at biglang nabitawan ni maria ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria. Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.
Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang pagkakatama ng kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso.
Pamaya-maya, lumapit sila sa asotae upang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel. Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si Maria ay laging nasa kanyang alaala.
Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng ina na wala siyang iibigin at paliligayahin kundi si Maria lamang. Si Maria man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na pinayuhan siya ng kanyang padre kompesor na limutin na niya si Ibarra.
Binikas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro, pagtatampuhan at muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging mangmang ng kanyang ina si Ibarra. Dahil dito si Ibarra ay nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan ni maria ng sambong sa loob na kanyang sumbrerong upang hinda maitiman.
Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi ang isang papel at ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria ni Maria ang isang liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago tumulak ito patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di makita ang kanyang mukha.
Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na papag-aralin si Ibarra sa ibang bansa. Siya anya ay isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa mga buhay-buhay upang mapaglingkuran niya ang kanyang sinilangan. Na bagamat, matanda na si Don Rafael at kailangan ni Ibarra, siya ay handang magtiis na ipaubaya ang pansariling interes alang-alang sa kapakanang pambayan.
Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra. Namutla siya. Napatigil sa pagbabasa si Maria. Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot siya “Dahil sayo ay nalimutan ko ang aking tungkulin. Kailangan na pala akong umuwi dahil bukas ay undas na.”
Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay ibarra. Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si Ibarra na pakisabi kay Anding na ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat magbabakasyon duon ang mag-ale. Tumango si Ibarra at umlis na ito.
Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiyago at inutusan na magtulos ng dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina San Roque at San Rafael.
Tanong
Bakit hinangad ni Don Rafael na sa ibang bansa mag-aral si Ibarra?
Sagot
Bilang lalaki nararapat lang na mapag-aralan niya ang ukol sa buhay-buhay nang mapaglingkuran ang bayang sinilangan.
Tanong
Sinu-sino ang mga Santong pinipintakasi ng mga manlalakbay?
Sagot
Sina San Roque at San Rafael ang mga Santong dinadasalan sa tuwing naghahangad ng matiwasay na paglalakbay.

 Kabanata 8 – Mga Alaala.

Ang Kalesang sinasakyan ni Ibarra ay masayang bumabagtas sa isang masayang pook sa Maynila. Ang kagandahan ng sinag ng araw ay nakakapagpapawi sa kanyang kahapisang nadarama. Sa pagmamasid niya sa kapaligiran, biglang bumangon sa kanyang nahihimlay na diwa ang isang alaala.
Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng mga bungang-kahoy, mga lalakinh hubad na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga karitong hila ng mga makupad na kalabaw. Pati ang bilanggong patay sa ilalim ng kariton at malapit sa dalawang bilanggo rin ay kanyang naalala.
Sa patuloy na pagsusuyod ng kanyang tingin, napansin niya na walang ipinagbago ang punong Talisay sa San Gabriel. Ang Escolta naman sa tingin din niya ay lalong pumangit. Nakita din niya ang mga magagandang karwahe na ang mga sakay ay mga kawaning inanatok pa sa kanilang mga pagpasok sa mga tanggapan at pagawaan, mga tsino at paring walang kibo. Sa mga paring nakasakay sa mga karwahe, namataan niya si Pari Damaso na nakakunot-noo. Si Kapitan Tinong nuon na kasama ang asawa at dalawang anak na babae at nakasakay sa ibang karwahe ay binati si Ibarra.
Napadaan din siya sa Arroceros (ngayon ay C.M. Recto) sa bahaging kinalalagyan ng pagawaan ng tabako. Naalala niya na minsan na siyang nahilo dahil sa masamang amoy ng tabako.
Nang madaan siya sa Hardin Butaniko saglit na napawi ang kanyang mga magagandang gunita. Pumasok sa kanyang isip na ang hardin sa Europa ay nakakaakit at nakapag-aanyaya sa mga ito upang iyon ay malasin. Itinuon niya ang tingin sa malayo at makita niya ang matandang Maynila na naliligid ng makakapal at nilumot ng mga pader.
Ang pagkakapatingin niya sa Bagumbayayn ay nagpabangon sa bilin ng kanyang naging guring pari bago siya tumulak sa ibang bansa. Ang bilin ng pari ay (1) Ang karunungan ay para sa tao, ngunit ito ay natatamo lamang ng mga may puso lamang. (2) Kailangang pagayamanin ang karunungan upang maisalin ito sa mga susunod na salin-lahi at (3) ang mga dayuhan ay nagpunta sa Pilipinas upang humanap ng ginto. Kung kaya’t nararapat lamang na puntahan ang lugar ng mga dayuhan upang kunin naman ni Ibarra ang ginto nila (dayuhan).

Kabanata 9 – Mga Suliranin Ukol Sa Bayan.

May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago. Ang nakasakay sa loob nito ay si Tiya Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si Maria. Tiyempong dumating si Pari Damaso at tinanong ang mag-ale. Sinabi nilang kukunin ni Maria ang mga kagamitan nito sa Beaterio. Ang ganito ay hindi minabuti ng pari, bubulong-bulong na nagtuloy na nagtuloy siya sa bahay ni Tiyago. Ang pagbulung-bulong ng pari ay inaakala ni Isabel na mayroon itong minimemoryang sermon.
Nahalata kaagad ni Kapitan Tiyago ang pagbabagong anyo ng pari nang hindi nito iabot ang kamay nang magtangka siyang magmano rito. Sinabi ng pari na kailangang mag-usap silang sarilinan ni Kapitan Tiyago. Pumasok sila sa isang silid at isinarang mabuti ang pinto.
Sa kabilang dako, pagkaraang makapagmisa si Pari Sibyla, kaagad na nagtuloy siya sa kumbento ng mga Dominiko sa Puerta de Isabel II. Dumiretso siya sa isang silid at tumambad sa kanyang paningin ang anyo ng isang matandang paring may sakit. Sinigilahan siya ng matinding pagkaawa rito. Ikinuwento ni Pari Sibyla sa paring may-sakit ang tungkol sa naganap na pagkakaalitan nina Pari Damaso at ni Ibarra. Ipinaliwanag ni Pari Sibyla na si Ibarra ay taong mabait at mabuting tao. Ang dalawang pari ay nagpalitan ng mga kuru-kuro tungkol sa mayamang binata, kay Maria Clara at kay Kapitan Tiyago. Sa kanilang pagsusuri, ang mga ito ay lubhang napakalaki ng maitutulong sa ikasusulong ng kanilang korporasyon at kapatiran ng panahong iyon.
Sa paniniwala ng may sakit na pari, dahan-dahan ng nawawala ang kanilang mga kayamanan lalo na sa Europa dahil sa pagtaas ng buwis na nagiging dahilan ng pagkawala ng kanilang mga ari-arian. Hindi na nararapat, anya, ang pagtataas ng buwis sa kanilang mga lupain sapagkat ang Pilipino ay natututo ng mamili ng lupa sa iba’t ibang lugar at lumilitaw na kasimbuti rin ng sa kanila o higit pa.
Bago umalis si Pari Sibyla, naibalita rin niya na ang tinyente ay hindi rin nagsumbong sa Kapitan-Heneral at diumano, ito ay nakikiisa pa kay Pari Damaso. Pero, nalaman din ng kapitan ang buong pangyayari. Ito ay naibalita ni Laruja sa isang pahayagan. Si Pari Damaso ay napalipat pa sa higit na mabuting bayan.
Sa kabilang banda naman, natapos na rin ang masinsinang pag-uusap nina Kapitan Tiyago at Pari Damaso. Sinisi ni Pari Damaso si Kapitan Tiyago dahil sa hindi nito pagtatapat. Binalaan pa niya ang kapitan na kailanman ay huwag itong magsinungaling sa kanya sapagkat siya ang inaama ni Maria Clara. Pag-alis ng pari, kaagad na pinatay niya ang mga ipinatulos na dalawang kandila kay Maria na patungkol para sa maluwalhating paglalakbay ni Ibarra patungong San Diego.
Tanong
Ano ang pinag-usapan nina Kapitan Tiago at Pari Damaso na ayaw iparinig sa iba?
Sagot
Tutol si Pari Damaso na makipagmabutihan si Maria Clara kay Ibarra.

Kabanata 10 – Ang San Diego.

Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang baybayin ng isang lawa at my malalapad na bukirin at palayan. Karamihan sa nakatira rito ay mga magsasaka. Dahil sa kanilang kamangmangan, ang mga inaaning produkto agrikultura ay naipagbibili nila ng murang-mura sa tsino.
Mula sa pinakamataas na bahagi ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw ang kabuuan ng bayan. Sa may itaas na bahagi, may kubo na sadyang itinayo. Gayunman, mapapansin sa pagtanaw sa kabuuan nito ang isang tila pulong gubat na nasa gitna mismo ng kabukiran.
Kagaya pa ng ibang bayan sa Pilipinas, ang San Diego ay mayroong itinatagong alamat. May isa umanong matandang kastila na dumating sa bayan. Ito ay matatas magsalita ng tagalog at nanlalalim ang mga mata. Binili niya ang buong gubat. Ang mga pinambayad niya ay mga damit, alahas at salapi. Hindi nagtagal ang matanda ay nawala.
Isang araw ang mga nagpapastol ng kalabaw ay nakaamoy ng masangsang na amoy. Hinanap nila ang pinanggalingan ng amoy at nakita nila ang nabubulok na bangkay ng matanda na nakabitin sa isang puno ng baliti.
Dahil sa pagkamatay ng matanda, lalo siyang kinatakutan sapagkat nung nabubuhay pa siya, takot na takot sa kanya ang mga babae sa pagkat bahaw ang tinig nito, paimpit kung tumawa at malalalim ang mga mata. Sinunog ng ilan ang damit na galing sa matanda at ang mga hiyas naman ay tinapon sa ilog.
Hindi nagtagal, isang batang mistisong kastila ang dumating at sinabing siya ang anak ng namatay. Ito ay may pangalang Saturnino. Siya ay masipag at mapusok. Sininop niya ang gubat. Sa kalaunan, nakapag-asawa siya ng isang babaeng taga-Maynila at nagkaroon ng anak na tinawag niyang Rafael o Don Rafael, na siyang ama ni Crisostomo.
Si Don Rafael ay hindi malupit bagkus siya ay mabait. Ito ang dahilan kung bakit kinagiliwan siya ng mga magsasaka. Napaunlad niya ang lugar, mula sa pagiging nayon. Ito ay naging bayan.
Nagkaroon ng isang kura Indiyo. Pero, nang namatay si Padre Damaso na ang pumalit at naging kura pareho ng bayan.

18 comments:

  1. salamat po sa inyong pagbabahali ng kwento

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. bakit po nag iba yung fonts nya sa kabanata 6-10,ang hirap nya pong basahin

    ReplyDelete
  4. Sino ang nakakita ng lubak na daan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako di ko makita kasi ikaw lang nakita ko booom haha

      Delete
  5. Pakisamahan naman sa. Susunond ng PUNA NI RIZAL TY

    ReplyDelete
  6. salamat po sa inyong pagbanghay..malaking tulong po ito sa amin

    ReplyDelete
  7. thank you i really needed this!! ^^

    ReplyDelete