Thursday, June 7, 2012

Noli Me Tangere 50-53



Kabanata 50 – Ang Mga Kaanak Ni Elias

Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na siya ay kabilang din sa mga swimpalad.May 60 taon na ang nakakalipas, ang kanyang nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay- kalakal ng kastila.Kasama ng kanyang asawa at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.Isang gabi nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kanyang nuno sa salang panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado, siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa, nagtangka pa ring humanap ng pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa anak at asawang may sakit. Nang gumaling ang sugat ng kanyang nuno, silang mag-anak ay namundok na lamang. Nanganak ang babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan ng kanyang nuno ang sapin-saping pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng babae. Nangamoy ang bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang pagkamatay ng asawa.Nahatulan din siyang paluin.Pero, ito ay hindi itinuloy at ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon. Gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang hatol.
Nagawang tumakas ng babae mula sa malupit na kamay ng batas, lumipat sila sa kalapit na lalawigan. Sa paglaki ng anak na panganay, ito ay naging tulisan. Gumawa siya ng panununog at pagpatay upang maipaghiganti nila ang kaapihang natamo. Nakilalasiya sa tawag na balat. Ang lahat ay natakot sa kanyang pangalan. Ang ina ay nakilala naman sa tawag na haliparot,delingkuwente at napalo at ang bunso dahil sa mabait at tinawag na lamang anak ng ina.
Isang umaga, nakagisnan na lamang ng anak ang ina na patay na. Ito ay nakabulagta ssa ilalim ng isang puno at ang isang ulo ay nakatingala sa isang bakol na nakasabit sa puno. Ang kanyang katawan ay ibinaon samantalang ang mga paa,kamay ay ikinalat. Ang ulo naman ay siyang dinala sa kanyang ina. Walang nalalabing paraan sa nakakabata dahil sa kalunos-lunos na pangyayaring ito kundi ang tumakas. Siya ay ipinadpad ng kapalaran sa Tayabas at namasukang obrero sa isang mayamang angkan. Madali naman siyang nakagiliwan sapagkat nagtataglay nga ito ng magandang ugali.
Siya ay masikap at ng nagkaroon ng puhunan, napaunlad niya ang kanyang kabuhayan hanggang sa makakilala siya ng isang dalagang taga-bayan na kanyang inibig ng tapat. Gayunman sinasagilahan siya ng matinding pangamba na mamanhikan. Nangangambasiyang matuklasan ang tunay niyang pagkatao. Mahal palibhasa ang babae, minsan ay nailugso nito ang puri at desidido siyang panindigan ang nagawa. Ngunit, dahil sa mayaman ang ama ng babae at wala siyang kayang ipagtanggol ang sarili. Siya ay nakulong sa halip na makasal siya sa babae.
Bagamat hindi nagsama ang magkasuyo, ang kanilang pagtatampisaw sa dulot ng pag-ibig ay nagkaroon ng bunga. Ang babae ay nanganak ng kambal, isang babae at isang lalaki. Ang lalaki ay si Elias. Bata pa sila ay iminulat sa kanilang patay na ang kanilang ama. Naniniwala naman sila sapagkat musmos pa lamang ay namatay ang kanilang ina. Nang magkaroon ng sapat na isip, palibhasa’y may kaya ang nuno si Elias ay nag-aral sa mga Heswitas samantalang ang kapatid na babae ay sa Concordia. Nagmamahalan silang magkapatid at ang pag-igkas ng panahon ay hindi nila namamalayan. Namatay ang kanilang nuno kaya’t umuwi silang magkapatid upang asikasuhin ang kanilang kabuhayan.
Maganda ang kanilang hinaharap, ang kanyang kapatid na babae ay nakatakdang ikasal sa binatang nagmamahyal sa kanya, ngunit ang kanilang kahapon ang nagwasak sa kanilang kinabukasan. Dahil sa kanyang salapi at ugaling mapag-mataas, isang malayong kamag-anak ang nagpamukha sa kanilang kahapong nagdaan. At ito ay pinatunayan ng isang matandang utusan nila. Iyon pala ang kanilang ama. Namatay na naghihinagpis ang kanilang ama dahil sa pag-aakalang siya ang naging dahilan ng kasawian nilang magkapatid. Pero, bago ito namatay naipagtapat niyang lahat ang kahapon ng magkakapatid.
Lalong binayo ng matinding kalungkutan ang kapatid ni Elias nang mabalitaan niyang ikinasal sa iba ang kanyang kasintahan. Isang araw nawala na lamang ito’t sukat.Lumipas ang anim na buwan nabalitaan na lamang ni Elias na mayroong isang bangkay ng babaing natagpuan sa baybayuin ng Calamba na may tarak sa dibdib. Ito ang kanyang kapatid. Dahil dito siya ay nagpagala-gala sa iba’t-ibang lalawigan bunga ng iba’t-ibang pagbibintang tungkol sa kanya na hindi naman niya ginagawa. Dito natapos ang salaysay ni Elias.
Nagpalitan pa ng iba’t-ibang pananaw ang dalawa hanggang sa sabihin ni Ibarra kay Elias na sabihin niya sa mga sumugo sa kanya na siya (Ibarra) ay taus-pusong nakikiisa sa kanilang mga damdaming. Lamang, wala siyang magagawa kundi ang maghintay pa sapagkat ang sama ay di-nagagamot ng kapwa sama rin. Dagdag pa rito, sa kasawian ng tao siya man ay matroong kasalanan din. Nang makarating na sila sa baybayin, nagpaalam na si Ibarra at sinabi kay Elias na siya ay limutin na at huwag babatiin sa anumang kalagayang siya ay makita nito. Nagtuloy si Elias sa kuta ni Kapitan Pablo at sinabi sa kapitan na siya kung di rin lamang mamamatay ay tutupad sa kanyang pangako na aanib sa kanila sa sandaling ipasiya ng pinuno na dumating na ang oras ng pakikibaka sa mga Kastila.

Kabanata 51 – Mga Pagbabago


Sakmal ng pagkabalisa at di pag-igmik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham mula kay Donya Victorina na nagsasaad ng ganito:
Mahal kong pinsan,
Sa loob ng tatlong araw, kailangang malaman ko kung kayo ay magtuos ng alperes at naglaban. Kapag natapos na ang taning na ito at hindi mo pa siya nakakalaban ay, ipababatid ko kay kapitan Tiyago na ikaw ay di naging kalihim, hindi mo nabibiro si Canovas at hindi nakakasama ni Heneral Martinez sa anumang kasayahan. Ibubunyag ko rin ang iyong lihim kay Clarita (Maria) at hindi rin kita bibigyan ng salapi. Lahat ng magustuhan mo ay ibibigay ko basta kalabanin mo lamang ang alperes. Ako ay hindi tatanggap ng anumang paumanhin o dahilan.
Ang pinsan mong nagmamahal sa iyo ng buong puso,
VICTORINA DE LOS REYES ESPADANA
Sampaloc, Lunes ika-7 ng gabi
Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin niya ang alperes subalit sino naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o si Kapitan Tiyago. Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at pagsisinungaling sa paghahangad lamang na makapagsamantala. Labis siyang nagpatianod sa kapritso ng Donya.
Dumating si Pari Salvi at nagmano sa Kapitan Tiyago. Masayang ibinalita niya ang tungkol sa sulat na padala ng arsobispo tungkol sa pagalis ng excommunion kay Ibarra kasabay ng kanyang pagpupuring and binata ay kalugod lugod ngunit may kapusukan ng kauniti. Tanging ang sagabal na lamang sa pagpapatawad ay si Pari Damaso. Pero anya ay hindi makatanggi kung si Maria ang kakausap sapagkat inaama niya ang pari. Narinig ni Maria ang usapan at nagtungo ito sa silid kasama si Victoria.
Sa bahaging iyon ng usapan ng pari at Kapitan Tiyago pumasok si Ibarra na kasama si Tiya Isabael. Binata niya ang kapitan at yumukod naman kay Linares. Si Pari Salvi ay buong lugod na kumamay kay Ibarra at sinabi nitong katatatapos pa lamang niyang papurihan ito. Nagpapasalamat ang binata at lumapit kay sinang upang itanong kung lumapit kay Sinang upang itanong kung galit sa kanya si Maria. Ipinasasabi raw ni Maria ani Sinang na limutin na siya ng binata ngunit sinabi ni Ibarra ng gusto niyang makausap ng sarilinan ang kasintahan. Di nagluwat, umalis na si Ibarra.

 Kabanata 52 – Ang Baraha Ng Patay At Ang Mga Anin


Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo at alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na paanas na naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang unang anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura. Binigyang diin naman ng ikatlong anino na kasama ng lima lulusob sila sa kwartel upang ipakilala sa mga sibil na kanilang ama ay may mga anak na lalaki. Isa pa, sinabi ng alila ni Ibarra na sial ay magigng 20 na katao na. Saglit na huminto sa pagaasanan ang mga anino nang mabanaagan nilang may dumarating na isang anino na namamaybay sa bakod.
Pagdating sa lugar ng tatlo, nagkakilala sila. Ipinaliwanag ng bagong dumating na anino na sinusubaybayan siya kaya’t naghiwa-hiwalay na sila at tinagubilinan ang mga dinatnan ng kinabukasan ng gabi nila tatanggapin ang mga sandata kasabay ng sigaw na “Mabuhay Don Crisostomo”! ang tatlong anino ay nawala sa likod ng pader. Ang bagong dating naman ay naghintay sa sulok ng pintuan.
Nang dumating ang ikalawang anino, namasid ito sa kanyang paligid. Umaambon palibhasa, sumilong ito sa pintuan kaya’t nagkita sila ng unang sumilong. Naisipan nilang magsugal at kung sinuman ang manalo sa kanila ay maiiwan upang makipagsugal sa mga patay. Pumasok sila sa loob nglibingan at sa ibabaw ng punto ay umumpog magkaharap upang magsugal. Ang mataas sa dalawa ay si Elias at ang may pilat sa mukha ay si Lucas. Nagsimula na silang magsugal sapagkat sa isang tao lamang ang nakikipagpagsugal ang mga patay. Natalo si Elias kaya umalis itong hindi kumikibo. Nilamon siya ng kadiliman.
Nang gabing iyonn dalawang sibil ang naglalakad sa tabi ng simbahan. Pinaguusapan nila ang tungkol sa paghuli kay Elias sapagkat sinumang makahuli rito ay hindi mapapalo sa loob ng tatlong buwan. Nakasalubong nila si Lucas at itinanong kung saan ito pupunta. Sa simbahan ani Lucas upang magpamisa. Pinabayaan nila sapagkat ayon sa alperes walang pilat si Elias. Ilang saglit lamamg, si Elias mismo ang nakasalubong ng mga sibil. Dinala siya sa liwanag upang kilalanin. Sinabi ni Elias na hinahabol niya ang lalaking may pilat sapagkat siyang bumugbog sa kanyang kapatid. Ang mga sibil ay patakbong nagtungo sa simbahang pinasukan ni Lucas.

 Kabanata 53 – Ang Mabuting Araw Ay Nakikilala Sa Umaga

Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan ng nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiranh ni San Francisco, may 20 ang nakita niyang kandila na sinindihan. Panaghoy at pahikbi naman ang narinig ni Ermana sipa kahit na malayo ang kanyang bahay sa libinga. Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo.
Ang usapan ay hindi nakaligtas sa matalas na paningin nina Don Filipo at Pilosopong Tasyo na ilang araw na ilang araw ngt naghihina. Nasabi ni Don na tinaggap ng alkade ang kanyang pagbibtiw sa tungkulin. Hindi namn mapakali si Tandang Asyo sapagkat naniniwala siyang ang pagbibitiw ay hindi nararpat at napapanahon. Sa panahon ng digmaan, anya, ang puno ay dapat na manatili sa kanyang tao. Sa pagiisip ni Pilosopong Tasyo. Ayon sa kanya, nag iba ang bayan na di na katulad noon na may 20 na taon na ang nakalipas. Ang nakaraan ay nagbigay ng aralin. Namamalas na nag naging bunga ng pagdayo sa Pilipinas ng mga Europeo at ang pagdayo naman ng mga kabataan sa Europa ay nadadma na rin .
Ang mga kabataang nakapag aral sa Europa ay nagkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa kaysayan, Matematika, Agham, wika at iba pang uri ng kaalamn na itutring na enerhiya noong una. Kaya na ng tao na pangasiwaan ang malawak na daigdig na kanyang ginagalwan at tinatahanan. Sa panitikan, nagsimula na ring lumitaw ang mga makatang nagpapahayag ng malaya at mga makaagham ng pagsubok. Hindi na rin kayang sawatain ng kumbento ang paglaganap ng mga modernong kabihasnan.
Nagkaroon pa ng palitan ng katwiran ang dalawa tungkol sa bayan, sa relihiyon, sa kahihinatnan ng bayan, ugali ng mga binata at dalaga ang ng mga naglilingkod sa Simbahan hanggang sa tanungin ni Don Filipo si Tandang Tasyo kung hindi nangangailangan ng mga gamot sapagkat napansin nitong hinang-hina na sya. Pero tinugon sya ni Tandang Tasyo na ang mga mamamatay ay hindi na nangangailangan ng gamot at sa halip ang mga maiiwan ang mangangailangan. Ipinakiusap din niya sa Don na sabihin kay Ibarra na makipagkita sa kanya sa loob ng ilang araw sapagkat malapit na siyang yumao. Sa kabila ng karamdaman ni Tandang Tasyo ang kapakanan ng bayan ang kanyang inaalagata. Matibay ang kanyang paniniwala ng ang Pilipinas ay tumatahak parin sa karimlan. Hindi nagluwat, nagpaalam na si Don Filipo.

6 comments:

  1. ano po ng sinabi ni padre gaspar de san agustin tungkol sa pakikitungo sa indio ay sa pamamagitan ng latigo?

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Ano po ang aral na makukuha sa kabanata 53?

    ReplyDelete
  4. Ano po ng ibig sabihin ng pamagat sa kabanata 53?

    ReplyDelete